Sumakabilang-buhay na ang kabiyak ng aktor na si Andrew Schimmer ayon sa kaniyang latest Facebook posts ngayong Martes, Disyembre 20, limang araw bago ang Kapaskuhan.

"The Love of my Life…my wife..my best friend.. my partner in everything. Remember your promise, together forever," caption ni Andrew sa kaniyang FB post kalakip ang litrato ng mga kamay nila ng yumaong asawa.

Misis ni Andrew Schimmer, pumanaw na

Bumuhos naman ang pakikiramay ng mga netizen sa comment section ng kaniyang posts.

Ipinangako ni Schimmer na bibigyan niya ng pagkakataon ang mga tao na masilayan sa huling pagkakataon ang kaniyang yumaong asawa, ayon sa kaniyang Live.

Kuwento pa niya, nasa taping siya ng "Family Feud" sa GMA Network nang malaman niya ang pag-aagaw-buhay ng asawa, kaya agad niyang kinansela ang taping at sumugod sa ospital.

Ang masakit pa rito, hindi na umano naabutan ni Jho ang kaarawan ng kanilang bunsong anak.

"They did everything they could. Masakit lang. Gusto ko lang ibalita sa inyo. Guys, maraming salamat sa mga nagdasal. Ang sakit lang kasi birthday ng bunso namin mamaya. Hindi siya inabutan ng bunso namin," saad ng aktor.

Nobyembre 1, 2021 nagsimulang maospital ang kaniyang misis, isinugod sa ospital si Jorhomy “Jho” Rovero dahil sa matinding asthma attack, na nagresulta sa atake sa puso at brain hypoxemia.

Simula Day 1 ay lagi nang nagbibigay ng update ang aktor sa kalagayan ng kaniyang misis. Bumuti na ang kalagayan ni Jho subalit muli niyang isinugod sa ospital ang misis, at sinisi niya ang nutritionist nito.

Nitong Oktubre 31 naman, nakiusap si Schimmer sa publiko na samahan siyang magdasal para sa paggaling ni Jho dahil isang taon na itong nakaratay sa karamdaman.

Isa sa mga agad na nakiramay ay ang showbiz columnist na si Ogie Diaz, na nagsagawa ng panayam kay Andrew patungkol dito.