Ibinahagi ng aktres na si Michelle Madrigal sa kaniyang &t=769s">YouTube channel ang kuwento sa likod ng pagkakakilala nila ng kasalukuyang special someone na "afam" o foreigner na si Kyle.

Bukas sa publiko ang pag-amin ni Michelle na nakilala niya si Kyle sa dating app na "Hinge".

Ikinatuwa aniya ng aktres ang profile picture ni Kyle sa nabanggit na dating app, dahil kasama nito ang mga chikiting sa ex-partner.

"Nandon yung pictures ng kids niya. I also had my daughter sa profile ko. You could really tell kung ano 'yung character ng lalaki the way they are sa kids nila," sey ni Michelle.

Suki ng dating app! Michelle Madrigal, sa online date muli nahanap ang bagong afam na dyowa

Dahil aniya sa pagiging single mom, walang panahon si Michelle para lumabas at makipagkilala sa iba, kaya nakahiligan niya ang paggamit ng dating apps.

Pag-amin pa ni Michelle, sa ngayon daw ay wala pang label ang kanilang relasyon, subalit alam nilang pareho nilang gusto ang isa't isa. Kaya nga sila nag-match sa dating app!

"I don't want to put any label dahil hindi naman importante 'yun. We have an understanding. I think we're pretty much on the same page," giit pa ng aktres.

Matatandaang nakilala rin ni Michelle sa dating app naman na Tinder ang estranged husband na si Troy Woolfolk.

Dahil dito, binibiro at binabansagan ngayon ng mga netizen si Michelle bilang "patron saint of dating apps". Kakaloka!

Hangad ng mga netizen na sana raw ay yumabong pa ang kanilang espesyal na pagtitinginan sa isa't isa!