Naantig ang damdamin ng mga netizen sa ibinahagi ng Instagram user na si "Cindelleira" sa nasaksihan niyang kabaitan mula sa isang lola kung saan pinapasok at nilibre nito ng pagkain ang dalawang batang namamalimos sa harapan ng isang fast-food chain.

Ayon sa kaniya, hindi umano maganda ang kaniyang mood nang pumasok siya sa naturang fast-food chain.

Subalit nang makita niya ang kabutihan ng lola sa mga bata ay bigla itong napawi.

"2pm, I was in a bad shape kaninang pumunta sa Jollibee dahil sa gutom at matagal na paghihintay plus hindi na nakapasok. Akala ko spicy chicken ang makakapawi ng pagka-bad mood ko, pero si lola pala," aniya.

Human-Interest

Welcome back! Alice Guo may free lifetime tarpaulin printing sa isang shop sa Cavite

"These two kids came from outside of Jollibee, mga batang namamalimos and I witnessed the kindness ni Lola."

Bukod sa lola, ikinatuwa rin ng netizen ang ginawang pag-aasikaso ng mga crew sa dalawang bata. Ginabayan aniya ng mga crew ang dalawang bata sa paghuhugas ng mga kamay bago kumain.

"This is what our eyes need today, the goodness of people. Hindi lang si lola kundi ang mga crew sa Jollibee ng San Jose, ang babait nila. The way they guide the two kids to wash their hands and took out the left over of them after."

"Ang saya sa mata, I feel blessed na isa ako sa mga nakasaksi ng goodness ng isang tao and my heart felt happy at that moment."

"Godbless po sa inyo specially kay Lola, more years to come pa po sana sa inyo," pagpuri pa ng netizen.