Prangkang sinagot ni Kapamilya actress Janine Gutierrez ang isang netizen na nagtanong sa kaniya kung preggy ba siya dahil tila nakaumbok daw ang kaniyang tiyan sa suot na black evening gown, sa naganap na ABS-CBN Christmas Special noong Sabado at Linggo.

Ibinahagi ni Janine sa kaniyang Instagram post noong Disyembre 18 ang mga kuhang litrato niya sa nabanggit na Christmas special na taon-taong ginagawa ng Kapamilya Network.

Kasama niya sa litrato ang katambal sa "Marry Me Marry You" na si Kapamilya leading man Paulo Avelino.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Diretsahang urirat ng netizen, "Preggy ka ba? Bakit ang laki ng tiyan mo?"

Kalmante namang sinagot ito ng aktres. Aniya, bloated lamang daw siya dahil sa paglantak sa iba't ibang pagkain lalo't nalalapit na ang araw ng Pasko.

"PMS bloat actually and I've been holiday eating since wala pang taping," sey ni Janine.

"It's okay to enjoy the off season. Diet na ulit after Christmas. Sana masarap din kain mo this December," ani Janine.

Screengrab mula sa IG ni Janine Gutierrez

Sa kasalukuyan ay hindi na makikita sa IG post ni Janine ang komento ng netizen.

Kasama si Janine sa upcoming teleseryeng "Dirty Linen" sa Kapamilya Primetime Bida sa darating na 2023.