Namagitan na ang tinaguriang "Chinita Princess" at "Queen of the Dancefloor" ng ABS-CBN na si Kim Chiu sa hinaing ng kaniyang mga tagahanga hinggil sa billing niya sa production number ng Kapamilya leading ladies, sa naganap na ABS-CBN Christmas Special noong nagdaang Sabado at Linggo, na talaga namang nag-trending sa social media.

Sey kasi ng fans, dapat daw ay nasa huli si Kimmy dahil sa naging kontribusyon at loyalty nito sa network.

"Looooved the leading ladies prod! May questions lang sa ibang billing like Francine should’ve been with Belle and Andrea. Then si Janine and Lovi dapat ang partner. And si Kim yung solo dapat before Kath and Julia. This is just my take. Hahaha," sey ng isang netizen.

“We are not trying to be nega here pero this is not the first time na rin kasi. Medyo sensitive din ako pagdating sa mga ganito kasi unfair talaga for her knowing her contributions to the network. Homegrown pa yan ha. Kim Chiu wasn't called the teleserye princess for nothing,” giit pa ng isa.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Niretweet naman ni Kim ang naturang tweet at kinomentuhan.

"It is what it is," aniya.

https://twitter.com/prinsesachinita/status/1604533735063310339

Sa isa pang tweet, sinabi ni Kim na grateful siya sa Kapamilya Network sa patuloy na pagbibigay ng trabaho at proyekto sa kaniya.

Bukod sa naging host siya ng Pinoy Big Brother kung saan siya nagsimula, naging bahagi rin siya ng "It's Showtime", at host ngayon ng "Dream Maker" kasama si Ryan Bang.

Magbabalik-teleserye na rin siya sa 2023 kasama si Diamond Star Maricel Soriano para sa "Linlang".

Siya rin ang tinaguriang "Queen of the Dancefloor" sa "ASAP Natin 'To".

"I think billing is not as important, di rin naman lalaki TF mo if ikaw yun una, huli or gitna. Basta't may trabaho ako okay na po ako doon. Salamat sa ABS-CBN sa mga opportunities na binibigay nila sa akin. Kahit saan nila ako ilagay okay lang naman po sa akin. Still #grateful," ani Kimmy.

https://twitter.com/prinsesachinita/status/1604535275480236032

"You have remained humble kaya ka pinagpapala. But sana naman, di abusuhin ng mga tao ang kagandahan ng iyong puso. Basta kaming mga fans mo at casual viewers, alam namin ang TUNAY MONG TRONO. Sana lang MAS PAHALAGAHAN ka pa nila," pahayag pa ng isang tagahanga.

Niretweet ito ni Kimmy at kinomentuhan nang makahulugan.

"Lets see how far long I can…" aniya pa.

https://twitter.com/prinsesachinita/status/1604537935893708800