Todo-bigay sa paghataw at pagkanta ang dalawang bata mula sa Brgy. Magat, Daet, Camarines Norte para sa kanilang pangangaroling na sa isa mga tradisyon na tuwing sasapit ang Pasko.

Ibinahagi ng netizen na si Keb Barnedo ang video ng dalawang bagets na tila nag-majorette pa gamit ang mga raketa ng badminton.

"MERI - MERI - MERI - MERRY CHRISTMAS" caption ni Keb.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Umani naman ito ng reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Nakakahiyang bente lang ang ibigay jan."

"Keb grabe trending na. Ang galing mo mag-manage ng group! Hahaha."

"Baka sumikat yang mga yan pare? Kaw na manager nyan."

"Kabogera!"

"Slay!!!"

Umabot na sa 571K views, 55K reactions, at 60K shares ang naturang FB post.