Ibinahagi ng showbiz columnist/vlogger/talent manager na si Ogie Diaz na tila wala raw ideya ang aktor na si John Lloyd Cruz sa naging pahayag ng kapwa Kapuso star na si Bea Alonzo, na muli silang magtatambal upang gumawa ng pelikula sa ilalim ng Star Cinema.

Ang Star Cinema ay movie company ng ABS-CBN, pero sina Bea at JLC ay pareho nang nasa poder ng GMA Network. Ang huling pelikulang pinagtambalan ng dalawa ay ang "A Second Chance" noong 2015, na sequel ng matagumpay na "One More Chance".

Nagkasama pa sila sa live script reading ng pelikulang "That Thing Called Tadhana" noong Pebrero 14, 2020.

Ayon daw mismo kay Bea na muli silang magkakasama ni JLC sa Star Cinema na ididirehe umano ni Direk Cathy Garcia-Molina at ang konsepto ay galing kina Carmi Raymundo at Enrico Santos.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

"So it's going to be exciting!" pahayag pa nga raw ni Bea.

Pero sansala naman ni Ogie, nakausap daw ng source niya si John Lloyd at sinabi nitong parang hindi niya alam ang tungkol sa pinagsasasabi ni Bea.

"Naloka si John Lloyd Cruz sa balitang gagawa sila ng pelikula ni Bea Alonzo," sey ni Ogie.

Nilinaw daw ni JLC na walang ganun, walang offer, walang lumalapit sa kanila para sa isang proposal, kaya ayaw daw sanang paasahin ng aktor ang kanilang fans, sa isang bagay na wala pa.

"Nahihiya si John Lloyd Cruz na paasahin ang kanilang fans na meron silang comeback movie ni Bea," pahayag pa ni Ogie.

Hindi raw alam ni John Lloyd kung saan nakuha ni Bea ang ideya tungkol dito.