Inirerekomenda ni Sen. Mark Villar sa publiko ang pelikulang "My Teacher" na pinagbibidahan ng kaibigang si Toni Gonzaga-Soriano at "Eat Bulaga" host-comedian Joey De Leon, na isa sa mga pelikulang kalahok sa 2022 Metro Manila Film Festival, na ipalalabas sa Disyembre 25.

Makikita ang kaniyang pagpuri sa pelikula sa kaniyang verified Facebook account, kalakip ang litrato nila ni Toni at mister at direktor ng pelikula na si Paul Soriano. Kasama naman ni Mark ang misis na si Emmeline Yan Aglipay.

"Congratulations Toni and Direk Paul! My Teacher was such a great movie!" papuri ng senador.

"Iniimbitahan ko po kayo na suportahan ang pelikulang Pilipino sa nalalapit na Metro Manila Film Festival!" dagdag pa ng senador.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ito ang reunion movie nina Toni at Joey matapos ang paglipat noon ng TV host-singer mula sa Eat Bulaga patungong ABS-CBN.

Nagpaabot din ng pagbati rito ang kapatid na si Alex Gonzaga, gayundin ang actress-TV host-talent manager na si Maja Salvador.

Sa ngayon ay nasa ALLTV na si Toni na pagmamay-ari naman ng mga Villar.