Kamakailan lamang ay pinag-usapan ang muling pagtuntong at pagpe-perform onstage ni Popstar Royalty Sarah Geronimo sa musical noontime show na "ASAP Natin 'To" na talaga namang pinag-usapan ng mga netizen, lalo na ang mga tagahanga niyang nasasabik na siyang mapanood.

Bagama't nanatili si Sarah sa ASAP sa kabila ng mga espekulasyong lilipat na ito ng ibang network, marami naman ang nalungkot na pulos taped o kaya ay music video nito ang ipinalalabas lamang para sa "Sarah G Specials".

Nang matanong naman si Sarah kung ano ang Christmas wish niya, makahulugan ang naging sagot ng singer-actress: ito ay ang makasama niya ang kaniyang pamilya habang siya ay nabubuhay.

Sa entertainment vlog nina Cristy Fermin, Romel Chika, at Wendell Alvarez na "Showbiz Now Na", napag-usapan nila ang kuwentong napilitan daw bumalik si Sarah sa ASAP para sa kaniyang pamilya, na hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nakakapag-usap dahil sa biglaang pagpapakasal nito kay Matteo Guidicelli noong Pebrero 2020.

Mommy Divine, nakakaawa raw sey ni Lolit Solis

“Natural walang napupunta sa kanila dahil hindi nga nagtatrabaho si Sarah sa Dos hindi ba?” sey ni Cristy.

hindi nga nagtatrabaho si Sarah sa Dos hindi ba?” ani Fermin.

“So kaya ba bumalik siya?" untag na tanong ni Romel Chika.

“Na naman… 'yan ang kuwentong talagang pinagpipistahan ngayon,” sagot ni Cristy.

Nagtataka umano si Cristy kung bakit ganoon na lamang ang lalim ng "galit" sa puso ng mga magulang ni Sarah sa kaniya gayong naging mabuting anak naman ito sa kanila.

"Paano kung si Sarah ay isang anak na hindi pinakinabangan, hahanapin pa kaya?” tanong pa ni Cristy.

Sa ngayon ay naiisyu si Mommy Divine, ang ina ni Sarah, matapos umano itong ireklamo ng ilang mga empleyado.