Sey ni Manay Lolit Solis, nakakaawa raw ang ina ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine hinggil sa reklamo ng mga empleyado nito dahil sa umano'y hindi pagbibigay ng sweldo at benepisyo.

"Nakakaawa naman si Mommy Divine ni Sarah Geronimo kung totoo nga na balak ng mga nagtatrabaho sa kanya na magreklamo dahil sa unfair labor practice na ginagawa niya daw Salve at Gorgy," sey ni Lolit sa kaniyang Instagram post kamakailan.

Nabanggit din ni Lolit ang tungkol sa relasyon ni Sarah at ni Mommy Divine.

"Hangga ngayon ay hindi pa yata nagkaka ayos sila Sara at mga parents niya kaya mas added pain pa ito kung sakali dahil sa ganitong mga pangyayari," aniya.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

"Sana nga maayos narin iyon mga hindi nila pagkaka unawaan nila Sara at Matteo Guidicelli para hindi na lumaki mga issues dahil mas maganda ang tahimik lalo pa nga ngayon na mag asawa na at mukhang happy naman sila Sara at Matteo.

"Mas bagay na sama sama sila ngayon Pasko, mas merry ang paligid, mas masaya di ba ! Ayusin na iyan, bongga," sey pa ni Manay.

Payo naman ni Lolit sa ina ni Sarah, sana raw ay kausapin agad nito ang mga empleyado para hindi na lumaki ang issue.