Inaasahang aabot na sa₱443 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 na bobolahin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngayong Martes ng gabi, Disyembre 20.

Sa abiso ng PCSO, nabatid na wala pa ring nakahula ng six-digit winning combination na 03-01-44-42-58-02 ng UltraLotto 6/58 na binola noong Linggo ng gabi, kaya’ madaragdagan pa ang katumbas nitong jackpot prize na₱428,626,010.

Mayroon namang 18 mananaya ang nakapag-uwi ng tig-₱120,000 na second prize para sa nahulaang tiglimang tamang numero.

Kaugnay nito, muli namang hinikayat ni PCSO General Manager Melquiades Robles ang publiko na magtungo na sa pinakamalapit na lotto outlet at tumaya sa lotto upang magkaroon na ng tiyansang magiging susunod na milyonaryo ay makatulong pa sa kawanggawa.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Ang Ultra Lotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.