Isang makabagbag-damdaming mensahe ang inihandog ng basketball player na si Scottie Thompson para sa pagdiriwang nila ng wedding anniversary ng misis na si Jinky Serrano, na makikita sa kaniyang Instagram post nitong Sabado, Disyembre 17.

"Thank you Lord for today. Thank you for my life and my marriage. You have definitely blessed me with a woman knows you and loves you," ani Scottie sa kaniyang caption.

"Sa aking napakagandang asawa. Thank you for being in my life, for making me smile every single day at sa pag encourage sakin when i feel defeated. You are my strength my love. I LOVE YOU SO MUCH!"

"HAPPY ANNIVERSARY!"

Scottie Thompson, 'best decision ever made' ang pagpapakasal kay Jinky

Kalakip ng IG post ang video clip sa naganap na kasal at reception.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang pagpapakasal ng dalawa matapos maunang mag-propose ni Scottie sa kaniyang longtime girlfriend noon na si Pau Fajardo.

Nagulat na lamang ang lahat nang ihayag ni Scottie na ikakasal na siya kay Jinky Serrano.