Patay ang isang rider habang sugatan ang isang pasahero, nang mabangga ng kasalubong na sumingit na jeep ang kanyang minamanehong motorsiklo sa Morong, Rizal nitong Linggo.

Hindi na umabot ng buhay sa Rizal Provincial Hospital ang biktimang si Ken Roger Panganiban habang sugatan naman si Jaimee Rhose Ledda na pasahero ng jeep at nilalapatan ng lunas sa nasabing pagamutan.

Samantala, arestado naman ang suspek na si Roggy Custodio at sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide sa piskalya.

Batay sa ulat ng Morong Municipal Police Station, nabatid na alas-6:10 ng umaga nang maganap ang insidente sa Manila East Road, Brgy. Maybancal, sa Morong.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Lumitaw sa imbestigasyon na minamaneho ng suspek ang kanyang pampasaherong jeepney nang mag-overtake ito sa nauunang sasakyan.

Dahil dito, nasakop nito ang kabilang linya ng kalsada at nasalpok ang kasalubong na Kawasaki motorcycle, na minamaneho ng biktima.