Wala na aniyang balak na kausapin pa ng character actress na si Matet De Leon ang kaniyang kinalakhang inang si Superstar Nora Aunor, matapos ang latest hidwaan nila patungkol sa pagkopya nito umano sa negosyo niyang gourmet tinapa at tuyo.

Matet, imbyerna kay Ate Guy; negosyo niyang gourmet tinapa at tuyo, kinumpetensiya pa raw?

Ayon sa panayam ni Ogie Diaz kay Matet, hindi niya intensiyong siraan ang ina, subalit hindi lamang niya nagawang magtimpi nang kalabanin nito ang kanilang negosyo, upang patuloy silang mabuhay.

Hindi na raw malaman ngayon ni Matet kung paano pa niya aayusin ang lahat. Matatandaang matagal nang nagkaroon ng lamat sa relasyon ng magkakapatid sa kanilang inang Superstar.

"Hindi ko na siya kakausapin ulit… kasi parang sa akin, ginawa ko na ang lahat," sey ni Matet kay Ogie.

Sa kabilang banda, ipagdarasal pa rin ni Matet na sana ay nasa mabuting kalagayan pa rin ang ina. Makakaasa pa rin daw ng respeto mula sa kaniya ang inang kumupkop sa kaniya.