Nagdulot ng good vibes sa mga netizen ang viral Facebook post ng social media personality na si "Dennis Catapang" matapos niyang i-flex ang Kapamilya actor na si Paulo Avelino.

Biro ni Dennis, lamang lamang sa kinis sa kaniya si Paulo pero naniniwala siyang magkasingguwapo sila nito.

"Paulo Avelino lumamang ka lang sa kinis," pabirong caption ni Dennis.

"Sa hugis na lang ako bumawi…"

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

"Baka malito kayo ako po yung nasa kaliwa," pahabol na biro pa ni Dennis.

"Partida nag-halfbath lang ako jan."

Habang isinusulat ang balitang ito, umabot na sa 141K haha reactions at 7.8K shares ang naturang Facebook post.

Mukhang nakarating na ito kay Paulo Avelino at "aprub" naman daw sa kaniya si Dennis.

"Medyo hawig naman," aniya sa verified Facebook account.