Flinex ng Kapuso actress na si Kylie Padilla ang paghawak nila sa isang malaking sawa ng mga anak na sina Alas at Axl, na makikita sa kaniyang Instagram post nitong Disyembre 18.

Makikitang walang takot na hinawakan ng mag-iina ang naturang sawa, na pumulupot pa at pumatong sa balikat ni Kylie.

"You’re in my blud 🐍," caption ni Kylie sa naturang IG post.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Marami naman ang pumuri kay Kylie dahil tinuturuan daw niya ang mga anak nila ni Aljur Abrenica na maging matapang at harapin ang kanilang mga kinatatakutan.

Nagmana raw ang mga bata kay Kylie na isang matapang.

"Yaay, so brave like their Mom."

"Tapang talaga ni Amihan!"

"Good move Kylie… in your free time from work… always be with your sons."

"Napakatapang talaga ni Kylie as a mommy and as a woman!"