Sobra-sobra ang pasasalamat ng mom of two at YouTube vlogger na si Kryz Uy sa kanyang asawa na si Slater Young.

Sa isang Instagram post, ipinakita ni Uy ang lubos na paghanga at pagmamahal niya sa kanyang asawa sa isang mensahe na iniwan nito para kay Young para sa ika-35 na kaarawan nito.

"Happy Birthday my love! So grateful for you and this life we have built together," ani Uy.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

"I love our family, and I love you. Thank you for all that you are and all that you do. I wouldn’t change a single thing," dagdag pa ni Uy.

Umani rin ng pagbati si Young mula sa netizens at maging sa mga celebrities at social media personalities.

Kabilang sa mga bumati ang cosmetic surgeon na si Hayden Kho; radio and television personality na si Sam YG; at blogger na si David Guison.