Kamakailan lamang ay ibinahagi ng komedyanteng si Brenda Mage na nadiskubre niyang nawawalan siya ng mga alahas na nakatago sa loob ng kaniyang jewelry box, sa loob ng kaniyang kuwarto, sa bagong ipinagawang bahay sa kanilang probinsiya.

Sa pamamagitan ng isang Facebook Live, idinetalye ng dating "Miss Q&A" contestant at "Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10" celebrity housemate kung paano niya nalamang ninakaw na ang mga mamahaling bato na kaniya pang itinago sa sariling kuwarto.

Una aniya niyang kinuha ang bracelet, at sa kasawiang palad, laking-gulat na lang niya nang hindi na madatnan ang isang partikular na ginto.

“Kukunin ko sana yung singsing ko na panther kung saan puno ng bato ‘yun, kumpleto ng bato ‘yun, isasanla ko sana para pang-next week at ngayon na sahod,” dagdag na detalye ni Brenda at sinabing nakalinya na rin sana ang bibilhing materyales kaya’t isasanla sana muna ang mga hawak na alahas.

Brenda Mage, ninakawan ng mamahalin, ‘di pa fully paid na mga alahas

Pagkakatanda ng komedyante, higit dalawang buwan na aniyang hindi rin nache-check ang naturang alahas dahil na rin sa kaniyang abalang schedule. Dahil dito, hindi rin aniya niya matukoy kung kailan nga ba nawala ang mga ito sa kaniyang jewelry box.

Wala pang maiturong suspek si Brenda dahil tiwala umano siya sa mga nakakasama niya sa bahay.

Marami naman sa mga netizen ang nagbigay ng payo sa komedyante na bawas-bawasan ang pagpapapunta ng mga tao sa kaniyang bagong gawang bahay, na tila bukas sa lahat ng nais pumasok.

Nakikita at napapanood umano sa vlogs ni Brenda na parang araw-araw na may iba't ibang tao sa kaniyang bahay, na para bang araw-araw may pista. Makikita ang mga kometo sa ulat ng Balita Online.

"Dami mo kasi kasama diyan. Sorry sa panahon ngayon. Hirap magtiwala. Dapat mga importante gamit/ bagay naka-lock.

Hindi masamang mag-ingat."

"Open house kasi to everyone eh…"

"Baka naman namisplaced mo lang?"

"Mahirap din ang sobrang open sa lahat ng tao ang bahay. Kung hindi maiwasan dapat naka-lock ang room na may mahahalagang gamit, for protection sa mahalagang gamit. Lesson learned ka na."

"Yan ang nangyayari sa bahay na walang privacy madaming tao palagi parang sabungan."

"Ingat kayo at baka sa susunod di lang alahas at pera ang kunin sa'yo baka pati buhay ninyo. Ingat-ingat lang…"

"Maglagay ka ng CCTV sa bawat sulok ng bahay lalo't malaki ang bahay mo… lalo na sa kuwarto mo, siyempre ikaw ang target dahil mapera ka na."

Samantala, wala pang update si Brenda tungkol sa isyung ito.