Viral ngayon sa social media ang Facebook post ng isang misis na nagngangalang "AJ Jallorina" matapos niyang ibahagi ang hindi inaasahang pangyayari matapos ang kaniyang masayang kasal.

Ayon sa kaniyang Facebook post noong Disyembre 17, ikinasal sila ng mister na si James Steven Chong noong Disyembre 15, subalit namatay ito noong Disyembre 16.

"From marriage certificate to death certificate," panimula ng FB post.

"From congratulations to condolences."

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

"Mahal ko, thank you for making me the happiest bride. Sabi mo nga di mo ako nasusurprise kasi lagi kong nakukutuban. mahal ko, hindi ko to nakutuban. Hindi ako makapaniwala. Napakasaya natin. Saksi ang Ama at ang lahat."

"Napakasakit na pumipirma tayo sa Marriage Certificate natin Dec 15 tapos Dec 16 death certificate mo na pinipirmahan ko.

Kasama sa vow ko ang aasikasuhin kita, pero hindi agad sa funeral mo."

"Mahal, Salamat sa sampung taon na pagmamahal."

"Mahal na mahal kita."

Hindi na idinetalye ni AJ ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang mister.

Bumaha naman ng pakikiramay ang profile picture ni AJ kung saan makikita ang kanilang kasal.