Usap-usapan ngayon sa social media ang viral video ng isang lalaking humingi ng tawad sa kaniyang ex-girlfriend na nakarelasyon niya sa loob ng 13 taon, matapos niyang "ipagpalit" ito at magpapakasal na sa bagong kasintahan, na karelasyon niya sa loob lamang ng apat na buwan.

Ibinahagi ito sa Facebook page na "Mak&Maw's Gift Shop" noong Biyernes, Disyembre 16.

"Sobrang sakit nito 💔 Ikakasal na dapat pero pinagpalit pa. A Real life Paubaya. 13 years vs 4months 💔😭," saad sa caption ng post.

"WARNING: IHANDA ANG TISYU AT ANG IYONG PUSO."

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

"Paano kung yung taong pinangakuan ka ng habang buhay ay nasa iba na pala? Nakakadurog ng puso ang sorpresang ito."

"13 years in a relationship, nagplano na ng kasal, pero may iba palang pipiliin sa huli."

"Panoorin ang video ng kaniyang sorpresa for the LAST TIME."

"Real Life Paubaya."

Wala naman daw nagawa ang ex-gf ng lalaki na isang Overseas Filipino Worker, kundi ang patawarin ang kaniyang dating nobyo.

Bandang Setyembre nang magsimula umanong manlamig sa kaniya ang dating kasintahan.

Sa huli, hangad ng OFW ang kaligayahan ng kaniyang dating jowa sa pakakasalan nito.