Habang papalapit na ang Pasko ay naalala ni Cristy Fermin si Queen of All Media Kris Aquino na kasalukuyang nasa Amerika at nagpapagamot para sa kaniyang mga karamdaman.

Naalala ni Cristy si Kris dahil kung pagdiriwang at ganap daw ang pag-uusapan sa tuwing sasapit ang Pasko, isa sa mga bonggacious pagdating dito si Tetay.

Ngayon daw ay tila mahirap ang sitwasyon ng selebrasyon dahil nga sa iniinda nitong sakit, na hanggang ngayon ay hindi pa matukoy ang pinagmumulan.

“Bonggang bongga siya talaga kapagka Pasko… she can afford naman kasi at 'yung pera namang ginagastos niya ay pinaghihirapan niya, hindi naman pera ng bayan 'yan," ani Cristy sa kaniyang co-hosts na sina Romel Chika at Wendell Alvarez sa entertainment vlog na "Showbiz Now Na".

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Nalulungkot umano si Cristy para kay Kris.

“Ang nakakalungkot lang… 'yung katotohanan na oo, nasa ibang bansa siya kasama niya 'yung mga anak niya, pero 'yung walang kasiguraduhan kung ano ang itatakbo ng kaniyang kalusugan."

"Dahil sabi nga niya, ilalagay daw siya ngayon sa isang lugar kasama 'yung iba pang mga pasyente na hindi alam kung saan nagmumula 'yung kaniyang autoimmune disease.”

"Ang sarap-sarap na regalo sana ngayong Pasko 'yung natunton na 'yung sakit niya? 'Yung mga allergies niya alam na kung saan nagmumula.”

"Pero hanggang ngayon kasi talagang ang gamutan ay tuloy-tuloy at pinaka-epektibong gamot na ang ibinibigay sa kaniya. Lahat na po ng paraan na maaaring makapagpagaling sa isang tulad ni Kris, ginagawa na ng mga doktor," giit pa ng showbiz insider.