Napa-sana all na lang talaga ang mga netizen sa "jowa reveal" ng dating "Pinoy Big Brother" teen housemate na si Lie Reposposa matapos niyang i-flex ang non-showbiz boyfriend na isang "afam" o dayuhan.

Napaulat na sa Balita Online ang Instagram post ni Lie kalakip ang mga litrato nila ng jowa.

Haba ng hair! PBB finalist Lie Reposposa, iflinex ang British boyfriend

"You're my sun and moon, your everything between in the middle of the stars collide with you #rodtoo4ever," sey ni Lie sa caption.

"Wow yes #rod2forever #urthegravityinthemoon ❤️❤️❤️," tugon naman ng kaniyang 19 anyos na British boyfriend na si "Paul".

Hindi na idinetalye pa ni Lie kung paano sila nagkakilala ng dayuhan, subalit umani ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Prayer reveal po please! Char. So happy for you Lieeeee!"

"Ay jusq Lie ang pinagpalang babae sa lahat. Mapapa sana OL nalang talaga. Wag mo na pakawalan yan Lie para kang nanalo sa lotto. Pag ka ingatan mo yan. 1 in a millin chance char."

"Ay oh pak! Go Lie!"

"Kailangan ko na talaga mag-audition sa PBB."

"POTA SAN N'YO BA NADADAMPOT YUNG GANYAN!!! SANA ALL HAHAHAHAHAHAHAHA."

"Ayy! Maraming ganyan soon self kalma! Mananawa ka. HAHAHAHAHAHA."

"Saan n'yo ba kasi binibingwit ang mga 'yan? Turo n'yo naman sa akin."

"Te saan nakakakuha ng ganyan? May stock pa ba sa Shopee o Lazada?"

Napag-alaman na si Paul ay taga-Southend-on-sea sa Sussex, England.

Bukod kay Lie, afam din ang jowa ng PBB Grand Winner at naging actress-singer-model na si Maymay Entrata.