Agaw-eksena ang tapatang Vice Ganda at Ivana Alawi, hindi lamang sa kanilang upcoming movie entry na "Partners in Crime" ng Star Cinema para sa 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF), kundi maging sa kanilang pa-puwet habang suot ang kani-kanilang bikinis, na ibinahagi ng komedyante sa kaniyang social media platform.

Makikita sa verified Facebook account ng "It's Showtime" host ang paghahambing niya sa litrato nila ni Ivana na tinawag niyang "PWETners in Crime".

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Tila nakisali naman dito ang sikat na online personality na si "Senyora". Hindi ito nagpatalo at "naglapag" din ng kaniyang entry.

"Tabeeee…" saad nito.

Komento naman ni Vice, "Senyora aminin mo nanginig ka!"

"Senyora anong masasabi mo?" tanong ng isang netizen.

"Wala siyang masasabi! Isang malaking lunok @Senyora," tugon ni Meme.

Ayon kay Vice, espesyal ang pelikulang ito dahil bukod sa ito ang muli niyang pagbabalik sa pinilakang-tabing, partikular sa MMFF matapos ang pandemya, ito rin ang unang beses na nakatrabaho niya sina Ivana at ang award-winning at box-office movie director na si Cathy Garcia-Molina.