Nagbabalik-telebisyon ang batikan at dating ABS-CBN news anchor/broadcaster na si Ces Oreña-Drilon, subalit hindi sa home network, kundi sa CNN Philippines.

Ibinahagi ni Ces sa kaniyang Twitter account ang magandang balita noong Disyembre 15. Magiging host si Ces ng binubuong business and lifestyle show ng CNN Philippines na may pamagat na "Usapang Bilyonaryo", na eere na sa Enero 2023.

"So happy to return to the world of television and a new home…" saad ng mamamahayag sa kaniyang tweet.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

https://twitter.com/cesdrilon/status/1603329341173088257

Matatandaang isa si Ces sa mga batikang broadcasters na nawala sa ABS-CBN sa kasagsagan ng pandemya at pagkawala ng prangkisa ng network, noong 2020, kasama pa si Korina Sanchez-Roxas at iba pa.