Matapos ang kontrobersiyal na hiwalayan, muling nagpakita sa isang vlog si Grace Mondina a.k.a. "Maritess", ang estranged wife ng vlogger na si Joel Mondina alyas "Pambansang Kolokoy".

Itinampok siya ng vlogger na si "Wander Z" habang sila ay nasa Los Angeles, California, USA.

Estranged wife ni Pambansang Kolokoy na si Marites, tampok sa isang vlog; may bagong jowa na ba?

&t=9s

Game na sinagot ni Marites ang iba't ibang tanong sa kaniya ng mga netizen habang nagsasagawa ng mukbang ng mga pagkaing Pinoy gaya ng bulalo, dinakdakan, at iba.

Natanong ni Wander Z si Marites kung kumusta na ba ito. Maayos naman daw si Marites at kasalukuyang "strong, independent woman" na nagbabanat ng buto sa Amerika para sa kaniyang mga anak.

Natanong ni Wander Z si Marites kung may maipapayo ba ito sa mga magkakasintahan o nagbabalak nang lumagay sa tahimik o mag-asawa.

Nagbigay ng "CCRT" si Marites na dapat tandaan ng mga nais nang magpakasal o pumasok sa isang panghabambuhay na relasyon.

Una na raw dito ang "Communication", sumunod ay ang "Commitment", "Respect", at "Trust".

Inihalintulad niya ito sa apat na paa ng isang mesa na kapag nawala ang isa o dalawa, ay maaaring ikabagsak ng kabuuan nito.

Natanong naman siya kung may desisyon ba siya sa nakaraan na nais niyang baguhin.

Sey ni Marites, sana raw ay nabasa na muna niya ang aklat na "Getting to I Do" ni Dr. Patrcia Allen bago siya nagpakasal. Highly recommended ni Marites ang naturang aklat para sa mga single gayundin sa mga nagbabalak pa lamang mag-I do sa kanilang mga partner.

Isa sa mga natanong sa bandang dulo ng vlog ay kung may bago na ba siyang boyfriend o nakikipag-date na ba siya.

Isang matigas na "No" ang itinugon niya, at pabirong nagsabi na makipag-ugnayan lamang kay Wander Z kung may gustong mag-aplay.

Matatandaang kamakailan lamang, muling pinag-usapan ang si Pambansang Kolokoy matapos niyang ipakita ang isang litrato kung saan karga niya ang isang sanggol.

"Kahit ano pang sabihin ninyo sa anak ko, anak ko pa rin siya. Anak ko siya sa pagkakasala? Walang ganun! Hindi siya ibibigay sa akin ng Diyos kung kasalanan ang aking nagawa…", saad umano ni Joel sa kaniyang social media, na sa kasalukuyan ay hindi na makita.

Nabasa naman ni "Queen SawsaweRRa" RR Enriquez ang balita tungkol dito at "sinawsawan".

"As a Sawsawera Queen I can’t wait to shoot my sawsaw vlog to this post kaya better to say a word now…"

"Mr. Pambansang Kolokoy!!! Blessings ang baby kahit ano pa ang mangyari because they’re innocent. But don’t justify your mistakes by telling everyone na cheating is a blessing ELBOW KITA KOYA YOU LIKE😂."

"Gigil much si Sawsawera Queen nyo," sey ni RR.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si PK tungkol dito.