Tila hindi magiging masaya ang Pasko ng isang estudyante na mag-uuwi ng mabigat na regalo matapos makakuha ng hollow block sa kanilang exchange gift.

Sa uploaded video ng estudyanteng si Ruevan Demecillo, ibinahagi nito ang nakuha nitong regalo, na po-problemahin niya pa paano iuuwi dahil isang buong hollow block ang natanggap nito.

"Sinong matutuwa sa regalo mo Aaron Cale???" caption ng binatang dismayado sa regalong natanggap.

Trending

Mag-jowa naghiwalay na, na-engage na sa iba pero MRT-7 hindi pa rin daw tapos

Larawan: Eullysis Felix Beltrano/FB

Samantala, tumabo naman ng lagpas 17K likes reactions ang video na animo'y relate na relate ang netizens.

Umani naman ng sari-saring reaksyon mula sa netizens ang nasabing video.

"Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa heheh."

"Hingian mo pa siya ng semento at buhangin."

"Pang-self-defense."

"Kaklase ko nga literal na panty at bra."

"'Yung isa pang-bomba ng C.R."

"Baka may pera pa sa loob buksan mo pa."