Tila nawalan umano ng ganang kumain ng pananghalian si Unkabogable Star Vice Ganda nang hindi sinasadyang masilip ang naghuhumiyaw na dibdib ng kaniyang co-star na si Ivana Alawi, sa pelikulang "Partners in Crime" na isa sa mga kalahok sa 2022 Metro Manila Film Festival.

“Di ba nakakawalang gana?” sey ni Vice Ganda habang nakatingin sa dibdib ni Ivana.

'Patambukan' nina Vice Ganda at Ivana Alawi, usap-usapan; 'Senyora', nakipagsabayan

"Mas nakaka-highblood pa sa balat ng lechon ung nakahambalang na dede mo @ivanaalawi!!!" dagdag pa.

Sumagot naman si Ivana sa komedyante.

"BAKIT MO KASI TINITIGNAN??? FOCUS KA SA LECHON WAG SAKIN," sey nito.

Bukod dito, pinag-usapan din ng mga netizen ang tapatan nila ng "puwet" habang nakasuot ng bathing suit.

Makikita sa verified Facebook account ng "It's Showtime" host ang paghahambing niya sa litrato nila ni Ivana na tinawag niyang "PWETners in Crime".

Tila nakisali naman dito ang sikat na online personality na si "Senyora". Hindi ito nagpatalo at "naglapag" din ng kaniyang entry.

"Tabeeee…" saad nito.

Komento naman ni Vice, "Senyora aminin mo nanginig ka!"

"Senyora anong masasabi mo?" tanong ng isang netizen.

"Wala siyang masasabi! Isang malaking lunok @Senyora," tugon ni Meme.

Ayon kay Vice, espesyal ang pelikulang ito dahil bukod sa ito ang muli niyang pagbabalik sa pinilakang-tabing, partikular sa MMFF matapos ang pandemya, ito rin ang unang beses na nakatrabaho niya sina Ivana at ang award-winning at box-office movie director na si Cathy Garcia-Molina.