Miss na miss na ng singer na si Daryl Ong ang kaniyang yumaong ina dahil sa isang karamdaman, ayon sa kaniyang latest Instagram post noong Disyembre 15.

Sa pamamagitan ng isang art card, ipinahayag ni Ong ang kaniyang kalungkutan na unang Paskong wala ang kaniyang "Mami".

"Gusto ko ipagsigawan kung gaano ko kamahal at kamiss ang nanay ko, lalo na ngayong magpa-Pasko."

"Unang Pasko na wala siya sa piling namin," aniya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa isa pang Instagram post ay nagbigay-pugay naman siya sa kaniyang amang nagdiriwang ng kaarawan. Malaki ang pasasalamat ni Daryl sa kaniyang erpat matapos nitong alagaan ang kaniyang ina, habang nakaratay ito sa banig ng karamdaman.

"Di ko man madalas masabi sa kaniya, pero mahal na mahal ko ang aking ama, ang aking 'Dadi'," saad niya sa kaniyang IG post nitong Disyembre 17.

"Maraming salamat sa pagiging ehemplo mo ng tunay na pagmamahal sa asawa, di mo iniwan si Mami hanggang sa huli, halos di ka na matulog for 4 yrs sa pag-aalaga, dahil gusto mong ikaw mismo ang mag-alaga, talagang pinanindigan n'yo ang linyang 'for better for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and cherish always' wala na akong mahihingi pa bilang anak, kundi ang alagaan mo ang sarili mo at wag ka muna sumunod kay Mami pls, alam ko clingy kayo sa isa’t isa, pero dito ka muna samin, kaya natin to, Happy Birthday Dadi, I love you!"

Oktubre 31 nang malungkot na ibalita ni Daryl ang pagpanaw ng kaniyang ina.

Ayon sa singer, hindi raw niya maipaliwanag ang kakaibang lungkot na kaniyang naramdaman. Inisip na lamang niya na wala nang paghihirap at karamdaman ang kaniyang ina, saan man ito naroroon ngayon.