Game na sinagot ng aktres na si Agot Isidro ang mga tanong sa kaniya ng media kaugnay ng kaniyang love life, sa ginanap na press conference para sa pelikulang "Family Matters" ng Cineko Productions, na isa sa mga kalahok sa 2022 Metro Manila Film Festival.

Poster ng "Family Matters"

In fairness naman kay Agot ay tila hindi siya nababakante pagdating sa iba't ibang proyekto, lalo na sa Kapamilya Network.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP, nauntag si Agot kung ano raw ba ang bet niyang matanggap na Christmas gift.

"All I want for Christmas is love… is jowa," natatawa raw na tugon ni Agot.

Nilinaw ni Agot na masaya siya bilang "strong independent woman" subalit naisip niya, iba rin ang hatid na saya kung may ibang kasama at nagpapasaya sa kaniyang buhay.

Napawalang-bisa na ang kanilang kasal ng dating mister na si Manu Sandejas noong 2010. Ang huli naman daw na napabalitang naging karelasyon niya ay ang tumakbong senador noong 2019 na si Pilo Hilbay, subalit hindi rin natuloy sa altar ang kanilang relasyon.

Sa ngayon daw ay ilang taon nang single si Agot at handa naman siya kung sakaling magkukrus ang landas nila ng "special someone" sa buhay niya. Pero paglilinaw ulit, hindi naman niya ito aktibong hinahanap. Kung darating daw sa kaniya, ituturing daw niya itong "regalo".

Una sa listahan ng katangian ng isang lalaking magpapatibok sa kaniyang puso ay ang pagiging mabait.