Muling nagkasama sina Megastar Sharon Cuneta at anak niyang si KC Concepcion sa birthday dinner ng anak din niyang si Kakie Pangilinan.
Sa serye ng Instagram posts, makikita ang mga larawan ng naging birthday celebration ni Kakie kasama ang pamilya at mga kaibigan.
"Happy 22nd Birthday to my Baba Kakie!!! Happy to be a complete family tonight and also to be reunited(&-ing) with Kakie’s friends!!! I love you so very much my Baba!So proud of you!!!" sey ng Megastar.
Ibinahagi rin niya ang larawan ng mga anak kasama ang aktres na si KC.
"Yaaaaay!!! Family pic!!! First in a loooong time!!" saad pa ni Sharon sa isa pang Instagram post
Noong Agosto, nagkita sina Sharon at KC sa Amerika. Nangyari ito noong panahon na pumanaw ang“La Primera Contravida” na si Cherie Gil.
“A little HAPPY during days of grieving.@kristinaconcepcion” saad sa caption ng IG post ni Mega.
Matatandaang noong 2021umugong ang balita tungkol umano sa hindi pagkakaayos ng mag-ina.
Bagaman hindi ito kinumpirma ng dalawang panig ay isang buwelta ni Shawie sa isang netizen noong Oktubre 2021 ang umagaw ng pansin.
Ito’y matapos paratangan ng isang netizen ang ina na mas pinili umano nito si Frankie kumpara kay KC kasunod ng pagbisita ni Shawie panganay na anak nila ni outgoing Sen. Kiko Pangilinan sa New York habang nasa Los Angeles lang noon si KC.
“You obviously know nothing about us and because I am their mother, you cannot expect me to talk badly about any of my children. Remember, we are all human beings, we all can be hurt by those we love. And generally speaking, kahit 100 na tao ang mahal mo, doon ka mapapalapit sa sobrang nagmamahal at rumerespeto sayo,” sagot lang noon ni Mega na naging basehan ng ilan ukol sa namagitang hidwaan ng dalawa.