Dahil sa balitang balik Kapuso na ang "King of Talk" na si Boy Abunda, aabangan daw ni Manay Lolit Solis ang mga signature outfit nito na hindi kaya umanong talbugan ng kahit sino.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/12/16/boy-abunda-opisyal-nang-nagbalik-sa-gma-network-i-will-commit-to-working-hard/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/12/16/boy-abunda-opisyal-nang-nagbalik-sa-gma-network-i-will-commit-to-working-hard/

"Bongga si Boy Abunda, Salve. Kapuso na siya uli, at type ko ang binigay na welcome sa kanya sa contract signing sa GMA7," sey ni Lolit sa kaniyang Instagram post nitong Biyernes, Disyembre 16.

"Feel mo na happy ang lahat sa pagiging Kapuso ni Boy Abunda, at feel mo rin ang trust niya sa station. Parang eversince naman mula ng pumasok sa hosting si Boy Abunda ang GMA7 na ang bahay niya," dagdag pa niya.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Pinuri rin ni Lolit na mabait na talent daw si Abunda dahil 'very cool' at 'generous' daw ito sa mga staff.

"Isang mabait na talent si Boy Abunda na mahal ng lahat ng staff ng anuman show na gawin niya. Very cool at generous kaya tuwang tuwa ang staff ng kanyang show," aniya.

Biro pa ng talent manager, haharbatin niya raw niya mga susuotin ni Abunda kaya't aabangan niya raw ito. 

"Naku wait natin mga wardrobe na isusuot ni Boy Abunda, tiyak na isang fashion show ito at hindi kaya talbugan ng iba. Congrats kuya Boy, the long wait is over sa paghihintay na mapanuod ka uli sa TV," aniya.

"Abangan ko mga shirts mo, harbatin ko talaga, hah hah, ang mga signature outfit na hindi kaya talbugan ng kahit sino pa, bongga."