Ibinahagi ni "The Voice Kids" Season 1 Grand Champion Lyca Gairanod ang paghatid nila ng kaniyang mga kasama sa kaniyang non-showbiz boyfriend sa airport, na aniya ay mamamalagi sa Amerika sa loob ng tatlong buwan.

Sa kaniyang Facebook account na may caption na "Bye bye na ingat ka sa US" ay makikita ang pagyakap at paghalik ng jowang si Kyle sa kaniyang noo habang si Lyca naman ay pabirong nagbibilin sa kaniya.

"Mahal. yung sinabi ko sa 'yo ha?" bilin ni Lyca.

Nang pumasok ang jowa sa loob ng airport ay tinanaw na lamang ng dalaga ang kaniyang boyfriend kasama ang isa pang lalaki. Nangantiyaw naman ang mga kasama ni Lyca na iiyak na ito.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Matatandaang umani ng iba-ibang reaksiyon at komento ang pagpapakilala ni Lyca Gairanod sa kaniyang karelasyon sa pamamagitan ng "jowa reveal", sa pagdiriwang ng kaniyang ika-18 kaarawan noong Nobyembre, gayundin sa kaniyang latest Instagram post kung saan makikitang magkahawak pa sila ng kamay habang tumatawid sa isang pedestrian lane.

Marami naman ang nag-congratulate kay Lyca sa kaniyang pa-jowa reveal, at nagpahatid ng mensaheng i-enjoy daw ng dalawa ang kanilang pagmamahalan habang sila ay bata pa, subalit mas marami ang nagbigay ng payo sa dalaga na unahin na muna niya ang career bago ang pagjojowa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/04/unahin-mo-career-mo-lyca-gairanod-pinagsabihan-ng-mga-netizen-matapos-ang-pa-jowa-reveal/">https://balita.net.ph/2022/12/04/unahin-mo-career-mo-lyca-gairanod-pinagsabihan-ng-mga-netizen-matapos-ang-pa-jowa-reveal/

Dapat daw munang isipin ni Lyca ang hirap na kaniyang pinagdaanan bago ang pagpasok sa isang seryosong relasyon.