Hindi napigilan ng dating "Magandang Buhay" momshie host na si Karla Estrada ang pang-ookray sa kaniya ng isang basher matapos tawaging "problematic" at "chaotic" ang kanilang pamilya, kung ihahambing sa pamilya ni Kapamilya actor Donny Pangilinan.

Niretweet ni Karla ang post ng isang basher at saka niya kinomentuhan.

“Si DJ, cheater, si Donny, hindi. Yung nanay ni DJ, problematic. yung nanay ni Donny, hindi. si DJ, chaotic yung fam. si Donny, complete and & happy family. Gusto n'yo talaga mag-compare? Okay,” sey ng basher.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Screengrab mula sa Twitter ni Karla Estrada

Pahayag naman ni Karla, "Huh? Saan galing ang mega judgment na ito? Dito ka ba naninirahan sa pamamahay ko? At akala mo alam mo lahat?!?"

"Mag hunos dili ka huy . Maka-problematic at chaotic ito?? Hala inday pagtarong diha! Wag mandamay ng pamilya, panget yun."

https://twitter.com/Estrada21Karla/status/1603719435629383680

Rumesbak naman para kay Momshie Karla ang maraming KathNiel fans at ipinagtanggol ang mga ito.

"Cheater? Naka-isang dekada na nga sila ng nobya niya. Attitude? 11 years in showbizness but still on top. Came from a broken fam? At least nabigyan niya ng magandang buhay pamilya niya. Few of the many reasons why Daniel/ KathNiel is worth stanning. So ‘yung mga kuda n'yo about sa kaniya/kanila, keep it for yourself na lang kasi we don’t care," pagtatanggol ng isang tagahanga sa tweet.

Niretweet naman ito ni Karla at saka kinomentuhan.

"Salamat. Lahat ng family ay broken kapag hindi nagkakasundo. Hindi lamang dahil hiwalay ang magulang. Importante ay mapalaki ang mga anak na hindi bastos at mapagkumbaba."

https://twitter.com/Estrada21Karla/status/1603720579097378817

Wala pang tugon o pahayag dito ang mismong KathNiel partikular si Daniel, o maging ang kampo ng mga Pangilinan. Habang isinusulat ang artikulong ito ay burado na ang malisyosong tweet ng basher. Si Donny ay anak ng motivational speaker na si Anthony Pangilinan, na kapatid naman ng dating senador at kandidato sa pagkapangalawang pangulo na si Atty. Kiko Pangilinan, at aktres na si Maricel Laxa.