Marami ang curious kung ano ang naramdaman ni Ian Veneracion sa pagkandong, paglambing, at pagharot sa kaniya ng leading lady na si Heaven Peralejo, sa mga eksena nila sa 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF) movie entry nilang "Nanahimik ang Gabi".

Matatandaang teaser pa lamang ng pelikula ay talaga namang windang na ang mga manonood, at bet na nilang sabunutan si Heaven na pagkahaba-haba ng buhok!

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/03/netizens-nanggigigil-kay-heaven-peralejo-dahil-sa-pagharot-kay-ian-veneracion/">https://balita.net.ph/2022/11/03/netizens-nanggigigil-kay-heaven-peralejo-dahil-sa-pagharot-kay-ian-veneracion/

Nauntag sa media conference kung "nabuhayan" ba siya sa maiinit na mga eksena nila sa pelikula.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Pag-amin ni Ian, hindi naman daw dahil alam nilang trabaho lamang ang kanilang ginagawa. In character sila.

“Hindi eh. Nasa mode ako ng Chief eh (Karakter ni Ian). So ‘yung character ko, medyo dark talaga… malisyosong ano eh… So wala. Kahit kumandong siya o ano, nandoon din ako sa mode na in character din eh. Saka siya, kumakandong naman siya not as Heaven eh. Nakikita ko, si Me-ann…” dagdag pa ni Ian.

In fairness daw ay wala silang ilangan ni Heaven sa isa't isa. Alam daw nilang in character lamang sila at kailangan itong gawin ayon sa hinihingi ng iskrip at eksena.

Ayway, trending din ang naging sagot ni Heaven na kung sakali raw na binata si Ian, malamang sa malamang ay mahuhulog ang loob niya rito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/15/heaven-peralejo-umamin-posibleng-mahulog-ang-loob-kay-ian-veneracion-kung-walang-sabit/">https://balita.net.ph/2022/12/15/heaven-peralejo-umamin-posibleng-mahulog-ang-loob-kay-ian-veneracion-kung-walang-sabit/