Itinalaga muli ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. si Alfredo Pascual bilang pinuno ng Department of Trade and Industry (DTI).

Ito ang inanunsyo ng Office of the Press Secretary (OPS) nitong Sabado.

Nanumpa na sa kanyang tungkulin si Pascual nitong Biyernes.

"Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panunumpa sa katungkulan ni Alfredo Pascual bilang kalihim ng Department of Trade and Industry kahapon, Disyembre 16," ayon sa pahayag ng OPS.

National

PBBM namahagi ng P100M ayuda; umaasang makabangon agad ang Bicol

Ibinalik muli ni Marcos si Pascual sa DTI matapos tanggihan nig Commission on Appointments (CA) ang appointent nito sa ahensya.

Idinahilan ni Marcos, mahusay si Pascual kaya niya ipinuwesto muli sa ahensya.

"Kumpiyansa ang Pangulo sa patuloy ng pagganap ni Secretary Pascual ng kanyang tungkulin nang may buong puso para sa bayan," sab pa ng OPS.

Philippine News Agency