Patuloy na namimighati at nagluluksa si Camille Ann Miguel, naulilang partner ng singer na si Jovit Baldivino, sa biglaang pagyao nito, na naihatid na sa huling hantungan noong Miyerkules, Disyembre 14, sa Paradise View Memorial Garden sa Padre Garcia, Batangas.

Ibinahagi ni Camille sa kaniyang Facebook post ang pagbibigay-pugay niya sa yumaong partner, sa nabanggit na sementeryo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dahil miss na miss na niya si Jovit, idinikit daw niya sa bawat sulok o gilid ng bahay ang mga litrato nito.

"Sobrang Miss na kita kaya dinamihan ko para lalagay ko sa bawat gilid ng bahay para kada lingon ko andun ka. Sticker mo naman para lalagay ko sa sasakyan po natin Love ko. Mahal na mahal po kita Love Jovit Lasin Baldivino," ani Camille.

Ibinahagi rin ni Camille ang last conversation nila ni Jovit bago raw mangyari ang lahat.

Aminado si Camille na hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwalang wala na si Jovit, ayon sa kaniyang latest Facebook post.