Matapos ang pagbabalik-Kapuso ni King of Talk Boy Abunda, mapapanood na ang harapan nila ni award-winning news anchor/journalist Jessica Soho sa news magazine show nitong "Kapuso Mo Jessica Soho" sa darating na Linggo, Disyembre 18.

"Abangan ang panayam ni Jessica Soho sa King of Talk na si Boy Abunda. Si Jessica at Boy, magfa-fast talk sa isa’t isa!" saad sa caption ng opisyal na Facebook page ng KMJS.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Marami naman sa mga netizen ang excited na sa panayam nila sa isa't isa, lalo na ang sikat na "fast talk" ni Boy. Kahit ang social media personality na si "Senyora" ay nagpahayag na rin ng aabangan nila sa naturang panayam.

"Ang aabangan talaga namin eh yung “S*x or Chocolate Mareng Jes?” anito.

Ilan pa raw sa aabangan nila ay ang tanong na "Lights on or Lights off?"

Matatandaang kamakailan lamang ay nagkaroon ng pa-teaser ang GMA sa isang showbiz icon na nag-BAbalik sa kaniyang dating tahanan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/07/isang-showbiz-icon-magbabalik-kapuso/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/12/07/isang-showbiz-icon-magbabalik-kapuso/

Noong Huwebes, Disyembre 17, ganap na ngang nagbalik sa kaniyang orihinal na home network ang King of Talk.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/16/boy-abunda-opisyal-nang-nagbalik-sa-gma-network-i-will-commit-to-working-hard/">https://balita.net.ph/2022/12/16/boy-abunda-opisyal-nang-nagbalik-sa-gma-network-i-will-commit-to-working-hard/