Naghatid ng kilig at good vibes sa milyun-milyong followers ng content creator at negosyanteng si Viy Cortez ang ibinahagi nitong aniya’y ‘pang-tatay’ na ngang mga banat ng kaniyang fiancé na si Cong Velaszquez.

Sa isang screenshot post nitong Huwebes, mababasa ang maikling pick-up line ng YouTube star kay Viy.

“Pizza ka ba?” anito.

“Bakit?” pagsakay naman ni Viy sa banat.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Crust kasi kita e,” sagot ni Cong.

“Pang-tatay na talaga banat niya,” nakakatawang saad ni Viy sa kaniyang caption.

Tumabo agad sa mahigit 146,000 reactions at 5,100 reactions ang naturang post na naghatid ng parehong kilig at good vibes sa netizens.

“Sana lahat ganto kahit may anak na consistent parin sa pagppakilig sayo wala lang sana all po,” komento ng isang follower.

“Ang sweet sana all na lang hahaha”

“Sana all crust pa rin.”

“Cheesy yarrn, pang toppings sa pizza😁😁😁😁

“Dapat talaga Ate Viy hiwalay FB ng mga tatay e,” pabirong saad ng isa pang fan.

“Dapat talaga hiwalay fb ng may pamilya na saka single,” segunda ng isa pa.

“Sesssh smooth!”

“Ayieee, sana all Viy Cortez!”

Basahin: ‘Worth the wait!’ Cong TV at Viy Cortez, engaged na! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaang nitong Oktubre 27, kasabay ng binyag ng unang supling ng YouTube couple na si Kidlat, hiningi na ni Cong na sa wakas ang palad ni Viy para sa isang panghabambuhay na pangakong pagsasama, ang kasal.

Mahigit pitong taon nang magkarelasyon sina Cong at Viy.

Basahin: Viy Cortez kay Cong TV: ‘Tuparin pa natin ang mga pangarap natin nang magkasama’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid