SAN QUINTIN, Abra -- Arestado ang dalawang magkapatid sa pagbebenta ng iligal na droga na umaabot sa halagang₱204,000 sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa San Quintin, Abra noong Disyembre 13.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Alexander Alcantara Agtual, 45 at Melvin Alcantara Agtual, 35, kapwa residente ng Sta. Maria, Ilocos Sur.

Ayon sa report ng Abra Provincial Police Office, ang magkapatid ay nasakote ng mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Unit at San Quintin Municipal Police Station (MPS) sa isinagawang buy-bust operation, matapos magbenta ng dalawang sachet ng naglalaman ng shanu na may timbang na 30 gramo.

Pinuri naman ni Brig. Gen. Mafelino Bazar, regional director ng Police Regional Office-Cordillera, ang mga operating unit sa isa pang matagumpay na operasyon laban sa iligal na droga sa Abra.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Dinala ang mga suspek sa kustodiya ng San Quintin MPS at mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.