Sa katas ng kanilang pagtatrabaho, nakabili ng dalawang property ang soon-to-be husband and wife na sina Viy Cortez at Cong TV.

"2 properties unlocked! Thankyou Lord sa mga biyaya mo saming munting pamilya," pagbabahagi ni Viy sa kaniyang Instagram post nitong Miyerkules, Disyembre 14.

Binati rin niya ang partner niyang si Cong, aniya lahat daw ng kanilang pagtatrabaho ay may napupuntahan. 

Excited na rin ang first time mom na mas mapaganda pa ang kanilang biniling mga property. 

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Matatandaang noong Setyembre, naganap ang ground breaking ceremony ng kanilang magiging bagong bahay ni Cong. Kuwento ni Viy, sobra pa sa pangarap niyang bahay ang ibinigay sa kanya ng Panginoon. 

“Dati sabi ko sa sarili ko, bago ako magkaroon ng sariling bahay dapat mabigyan ko muna ang mga magulang ko. After 2 yrs na nagawa ko yun binigyan ako ng Panginoon ng sobrang gandang bahay sobra sobra pa sa pinangarap ko,” sey niya sa isang Facebook post nitong Huwebes, Setyembre 1.

“Totoo nga na pag di mo kakalimutan ang mga magulang mo sobra sobra ang balik sayo,” dagdag pa niya.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/09/02/viy-cortez-kay-cong-tv-tuparin-pa-natin-ang-mga-pangarap-natin-nang-magkasama/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/09/02/viy-cortez-kay-cong-tv-tuparin-pa-natin-ang-mga-pangarap-natin-nang-magkasama/

Samantala, binati at napa-sana all ang mga netizen dahil sa bagong achievement ng dalawang vlogger.

"Congratulations Sis!!!!! ❤️❤️❤️ DESERVE NA DESERVE NIYO YAN!!"

"sana ol!"

"sana all po 😔 when kaya lord 🙏🏻"

"Congrats po mam Viy!! and thankyou sa inyo ni boss chong ❤️ sa palaging pag share ng blessing"

"Congrats po.. hiring po ba?😢😍"

"Congratulations Viy😍😍😍"

"Congrats!!!!!!!"