"Pagkamulat" umano ang dasal ng aktor na si Romnick Sarmenta para sa lahat, sa darating na pagdiriwang ng Kapaskuhan, ayon sa kaniyang latest tweet nitong Disyembre 14.
"Sa Paskong ito, panalangin ko para sa inyo ang pagkamulat, sa pagdating ni Hesus, sa tangan Niyang Pag-asa, sa taglay Niyang Katotohanan, at sa Hustisyang Siya ang may-ari," ani Romnick.
"At kapayapaan, sa lahat ng nagmamahal sa Kaniya," aniya pa.
Kilala si Romnick sa pagbabahagi ng kaniyang mga puna, saloobin, at opinyon pagdating sa mga usaping pampulitika sa pamamagitan ng tula.
Kamakailan lamang ay pinag-usapan ng mga netizen ang kaniyang pasaring hinggil sa isang "payaso" na pumunta sa isang palasyo.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/08/romnick-sarmenta-may-patutsada-sa-payasong-nasa-palasyo/">https://balita.net.ph/2022/11/08/romnick-sarmenta-may-patutsada-sa-payasong-nasa-palasyo/
May buwelta rin siya sa mga nagsasabing irrelevant at laos na siya.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/09/romnick-sarmenta-may-buwelta-sa-mga-taong-nagsasabing-irrelevant-siya/">https://balita.net.ph/2022/11/09/romnick-sarmenta-may-buwelta-sa-mga-taong-nagsasabing-irrelevant-siya/