Tila hindi nakikipagbiruan ang motivational speaker/fitness coach/social media influencer sa huling hirit sa kaniya ng social media personality na si Valentine Rosales, na magharap na lamang sila at magsagawa ng "wrestling sa kama".

Nag-ugat ito sa komento ni Labador sa pagsasailalim ni Rosales sa procedures para ipaayos ang kaniyang eyelid at upper lip.

Sa kaniyang Facebook post noong Disyembre 10, pinasalamatan ni Valentine ang mga espesyalista na nagsagawa ng medical procedures sa kaniyang eyelids at upper lip.

"Thank you Doc Shastine Reyes and Papi Jack Salvador of Kontur Aesthetics for the transformation and the new look!"

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

"Procedures done: Non Incisional Double Eyelid Surgery to make my eyes look bigger and brighter!"

"Joker Smile - Upper lips Augementation reshaping my upper lip to a sexier shape with a more upturned lip corner," aniya sa caption.

May mensahe naman si Valentine sa bashers at haters niya.

"Buhay ko to! Puwede ka mainis, pero bawal kang mangialam," aniya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/13/valentine-rosales-dumaan-sa-transformation-may-mensahe-sa-mga-pakialamera/">https://balita.net.ph/2022/12/13/valentine-rosales-dumaan-sa-transformation-may-mensahe-sa-mga-pakialamera/

Nagkomento naman si Labador sa ulat ng Balita Online tungkol dito.

"Mensahe ko sa kabataan: I-consider ninyo munang baguhin ang perspective ninyo bago ninyo baguhin ang pagmumukha ninyo."

"Hindi ako against sa ganyan pero representation kasi 'yan na hindi ninyo tanggap ang sarili ninyo o naghahanap kayo ng validation sa ibang tao. Paki-tama na lang kung mali ako."

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/13/rendon-labador-sa-kabataan-baguhin-ang-perspective-bago-baguhin-pagmumukha-ninyo/">https://balita.net.ph/2022/12/13/rendon-labador-sa-kabataan-baguhin-ang-perspective-bago-baguhin-pagmumukha-ninyo/

Nagkomento naman nang mahaba si Valentine sa ulat ng Balita Online tungkol dito.

"Rendon Labador Hello po, sayang walang retoke sa utak at perspective kasi mukhang kailangan mo talaga yon bebe at dahil sinabi mo naman na paki tama kung mali ka, Unang una sa lahat iba po ang improving vs changing. iniimprove ko kung ano ang meron ako instead of changing or binabago ko kung ano ang meron ako."

"Kunwari pinanganak akong may ari eh hindi ko yun iibahin. Ikaw nga po nagpapalaki ka ng katawan at nag gygym ibig sabihin nag hahanap ka ng validation sa ibang tao para maging macho hindi mo din tanggap sarili no na mataba/mapayat ka?

same reason sa pagpapa retoke ko yan, hindi ako naghahanap ng validation sa ibang tao, The only Validation I am looking for is validation from myself."

"Gusto ko gwapo ako kapag nakikita ko sarili ko sa salamin. Kung dito naman ako nagkakaron ng boost of self confidence and love for myself why not diba? Wag nalang po tayo mangeelam at lalo na wag tayo maging assuming. Kasi may kanya kanya po tayo reason bat natin inaayos ang image natin."

"Fyi hindi ako nang hingi sayo or kanino man ng singko nor sentimo sa pagpaparetoke ko. Kung dito ako sasaya hayaan mo ako."

"Btw crush ko yung bunso mong kapatid si Jormiel dahil mas mabaet, matalino, gwapo siya sayo. Peace."

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/13/rambulan-na-valentine-bumuwelta-kay-rendon-sayang-walang-retoke-sa-utak-mukhang-kailangan-mo/">https://balita.net.ph/2022/12/13/rambulan-na-valentine-bumuwelta-kay-rendon-sayang-walang-retoke-sa-utak-mukhang-kailangan-mo/

Sa iba pang mga komento sa ulat ng Balita Online ay tila "nawala" na ang init ng ulo ni Valentine at pabirong humirit kay Rendon. Inaya niya ito ng "kakaibang" wrestling.

"Wrestling sa higaan na yarn! Charooot hahahahahaha."

Sa iba pang komento, sinabi ni Valentine na "uubusin niya ang lakas" ni Rendon.

"Pagtanggal ng tahi sa labi ko lagot ka talaga sakin Rendon ubos lakas mo sakin hahahahahaha."

"Ubos lakas sakin niyan," aniya pa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/14/ubusan-ng-lakas-valentine-rosales-humirit-kay-rendon-labador-nag-aya-ng-wrestling/">https://balita.net.ph/2022/12/14/ubusan-ng-lakas-valentine-rosales-humirit-kay-rendon-labador-nag-aya-ng-wrestling/

Ngayong Huwebes, Disyembre 15, tumugon na si Labador sa isang pubmat o ulat ng Balita Online tungkol sa naging pabirong alok sa kaniya ni Rosales.

"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo. Yung mukha mo na lang biruin mo, huwag ako," aniya.

Screengrab mula sa Balita Online

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Rosales tungkol dito.