Ibinahagi ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga-Soriano ang muli niyang pagbabalik sa longest running noontime show na "Eat Bulaga", ilang dekada matapos ang pag-alis niya rito at paglipat naman sa ABS-CBN.

Ngunit ito ay hindi para maging host ulit kundi para lamang sa promotion ng upcoming reunion movie nila ni Joey De Leon na "My Teacher", na isa sa mga kalahok sa 2022 Metro Manila Film Festival.

Makikita sa kaniyang Instagram post nitong Disyembre 14 ang ilan sa mga kuhang litrato nila ng Dabarkads, partikular na ang dalawang haligi nito na sina Vic Sotto at Joey De Leon.

"Nakabalik kung saan nagsimula. Thank you Eat Bulaga," pasasalamat ni Toni sa kaniyang caption.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nag-react naman dito ang co-star sa pelikula na si Kakai Bautista, gayundin ang dating Dabarkads host na si Isabelle Daza. Nagkomento rin dito si Karla Estrada.

Sa ngayon, contract artist na si Toni ng "ALLTV" at kasalukuyang umeere ang kaniyang sariling talk show tuwing hapon.

Aminado naman si Joey na nagtampo siya noon kay Toni nang umalis ito sa nabanggit na noontime show kung saan ito nagsimula, at lumipat sa karibal na network na ABS-CBN.

Naganap ang pag-amin sa mismong media conference para sa pelikulang "My Teacher" sa direksiyon ng mismong mister ni Toni na si Direk Paul Soriano, sa produksiyon naman ng Ten17 at TinCan Productions.

Sa kabilang banda, masaya naman daw si Pinoy Henyo master sa kinasapitan ni Toni, dahil hindi naman maitatangging bumongga pang lalo ang showbiz career ng host-actress-singer nang lumundag ito sa Kapamilya Network.

Masaya rin daw ang komedyante na si Direk Paul ang napangasawa nito. Pag-amin naman ni Toni, kahit na medyo nagtampo sa kaniya si Joey, hindi pa rin naman naputol ang kanilang pag-uusap.