Pinamukha ni “Miss Q&A” Season 1 Grand Winner na si Juliana Parizcova Segovia sa bashers niya ang award na nakuha niya bilang "Outstanding New Comedian of the Year." 

"Hello bashers. Walang titigil," sey ni Juliana sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes, Disyembre 15. 

Inupload niya ang dalawang poster na kung saan makikita na pinarangalan siya bilang "Outstanding New Comedian of the Year' sa Gawad Dangal Filipino Awards 2022.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Kamakailan lang, nagpasalamat din siya sa mga basher na patuloy na nag-eengage sa kaniyang mga post dahil lumalaki raw ang kita niya.

“Bash is CASH,” sey ni Juliana sa kaniyang Facebook post.

“Ang taas ng engagement ng post kong to,grabe kayo bashers laki ng kinita ko dahil sa inyo,pls walang hihinto,mag recruit pa kayo,maging active kayo bawat post ko,PAYAMANIN NYO PA KO NG BONGGA,” tila pang-aasar pa nito.

“So alam nyo na bat hnd ako napipikon,mapipikon pa ba ko kung kumikita ako dahil sa inyo?..oh loko. PERO SRSLY THANK U BASHERS,sa bwat comment nyo nag a-up ang post ko,sa bawat share nyo umiingay ako lalo..keep goin..promise mamahalin ko pa kayo ng bongga,” dagdag pa niya.

“PS: sorry kung ako lang kumikita kayo hindi. Saet?…”

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/12/14/juliana-segovia-sa-mga-bashers-sorry-kung-ako-lang-kumikita-kayo-hindi-sakit/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/12/14/juliana-segovia-sa-mga-bashers-sorry-kung-ako-lang-kumikita-kayo-hindi-sakit/