Inamin ng Kapamilya actress na si Heaven Peralejo na kung binata pa ang leading man na si Ian Veneracion sa pelikulang "Nanahimik ang Gabi", siguradong mai-inlove siya rito.

Naganap ang pag-amin sa isinagawang media conference para sa pelikulang kalahok sa 2022 Metro Manila Film Festival.

"With all the qualities that he (has), I think kung binata siya, yes. Let's see,” sagot umano ni Heaven nang mauntag tungkol dito.

Samantala, si Ian naman, sinabing para sa kaniya, hindi pang-sugar baby level si Heaven.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

"Naisip ko kung binata ako, maging sugar baby kita, hindi. Hindi kailangan. Hindi ka naman pang-sugar baby eh," ani Ian.

Matatandaang sa paglabas pa lamang ng teaser ay talaga namang nawindang at napa-sana all ang mga netizen sa maiinit na eksena nila ni Heaven, mas lalo na nang lumabas ang official trailer nito.

Gaganap si Heaven bilang "kabetchina" ni Ian sa naturang pelikula, na siya namang "sugar daddy".

Paglilinaw naman ni Ian sa mga nais "sabunutan" si Heaven dahil sa pagkahaba-haba ng hair, trabaho lamang daw ito at walang personalan. Ginawa lamang daw nila ang maiinit na eksena dahil ito ang nakalagay sa script at ganito ang itinatakbo ng istorya. Kaya naman, walang dapat ikabahala ang kaniyang misis na si Pam Gallardo.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/03/netizens-nanggigigil-kay-heaven-peralejo-dahil-sa-pagharot-kay-ian-veneracion/">https://balita.net.ph/2022/11/03/netizens-nanggigigil-kay-heaven-peralejo-dahil-sa-pagharot-kay-ian-veneracion/

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/08/heaven-peralejo-quota-na-raw-may-ian-veneracion-na-nga-may-gab-lagman-at-marco-gallo-pa/">https://balita.net.ph/2022/11/08/heaven-peralejo-quota-na-raw-may-ian-veneracion-na-nga-may-gab-lagman-at-marco-gallo-pa/

Isa si Ian sa mga patuloy na kinakikiligan at hinahangaang leading man sa kasalukuyan, dahil bukod sa pagiging guwapong artista, mapapasaludo ka talaga sa kaniyang pananaw tungkol sa pagiging babaero.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/03/yan-tunay-na-guwapo-ian-veneracion-goals-ng-netizens-dahil-sa-pananaw-sa-pagiging-babaero/">https://balita.net.ph/2022/11/03/yan-tunay-na-guwapo-ian-veneracion-goals-ng-netizens-dahil-sa-pananaw-sa-pagiging-babaero/