Usap-usapan ngayon ang tweet ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano hinggil sa kaniyang pinagdaraanan sa usaping pangkalusugan.

"Lord… I’m going to need your miraculous touch to get me through tonight and the next few nights to come," ayon sa tweet ni Gary V nitong Disyembre 14 ng gabi.

"Help me not lose the sense and spirit of Christmas in the middle of all@these challenges."

"Kindly help in keeping me healthy at all times Lord. In Your name Jesus I pray🙏🏼Amen."

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

https://twitter.com/GaryValenciano1/status/1602994687463153664

Sa comment section naman ay dumagsa ang concern ng mga netizen at nagpaabot ng kanilang panalangin at encouraging words sa anumang pinagdaraanan ngayon ng batikang singer-performer.

Hindi ito ang unang beses na dumaan sa matinding pagsubok na may kinalaman sa kaniyang kalusugan ang singer, sa epekto na rin ng kaniyang diabetes. Ngunit lahat ng iyon ay napagtagumpayan ni Gary sa tulong ng kaniyang pananampalataya at suporta ng kaniyang pamilya at mga kaibigan.