Biro ni Chito Miranda, super effective raw ang binili niyang gayuma dahil inlove na inlove pa rin sa kaniya ang misis niyang si Neri.

 

Recently, nagcelebrate sila ng kanilang 8th wedding anniversary. Kaya naman may long message si Neri para kay Chito.

"Happppppy 8th wedding anniversary, Dad! 8 years na tayong kasal, 12 years na tayong naglalandian," sey ni Neri sa Instagram post.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Thankful naman ito sa asawa dahil araw-araw pa rin daw siyang pinatatawa, pinapakilig, at nililigawan ng mister.

"I love you sooooo much! Thank you sa pagiging best husband! Thank you at araw araw mo pa rin akong pinapatawa, nililigawan, pinapakilig, at kinukwentuhan ng buhay buhay. Mas gusto mong kasama kami ng mga anak mo kaysa tumambay kung saan man. The best dad ka talaga," aniya.

"I love you, Dad. Thank you for loving me. Ikaw ang number fan ko, number 1 cheerer ko. Ikaw talaga yung number 1 supporter ko at the same time number 1 critic ko 😅 pero ikaw naman ang only 1 sa puso ko 🤣🤣 nahawa na ako sa kakornihan mo," dagdag pa niya.

Nagkomento naman si Chito sa sweet message ng misis.

"Shout-out kay kuya na pinagbilhan ko ng gayuma...super effective. Hanggang ngayon inlab na inlab," aniya.

Kaugnay na Balita:https://balita.net.ph/2022/12/13/manager-neri-miranda-may-sariling-talent-agency-na-rin/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/12/13/manager-neri-miranda-may-sariling-talent-agency-na-rin/