Hindi lang sariling bahay kundi damay maging ang bahay ng kaniyang lola, ate at isa pang kapatid na lalaki ang naipundar na ng komedyante, vlogger at online personality na si Brenda Mage ngayong taon.

Ito ang masaya at proud na iflinex ni Brenda sa isang social media post, Miyerkules.

Aniya pa, ang dati lang pangako niya sa kaniyang ama ay sa wakas ay naisakatuparan na niya.

“March 2022 nung inumpisahan ang bahay ko. Wala sa plano nadamay ang balay ng lola ko syempre nakisali din ang ate ko ayun nakisali din ang kapatid kong lalaki… o ayun na nga wala sa plano pero pinagkaloob ni Lord,” mababasa sa post ng komedyante kalakip ang larawan ng ilang bahay na kaniyang naipatayo para sa pamilya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sunod na nagpasalamat si Brenda sa kaniyang masugid na tagasuporta na aniya’y utang na loob niya sa napundar na ari-arian.

“Salamat po sa inyong walang sawang pag suporta bawat haligi ng bahay namin hindi maitatayo kung wala ang suporta nyo sa panonood ng mga videos ko,” ani Brenda.

Isang stand-up comedian, nakilala at lalo pang bumulusok ang karera ni Brenda nang sumali siya at maging finalist sa segment ng “It’s Showtime” na “Miss Q&A” noong 2018.

Lalo pang lumawak ang online influence ng komedyante na sunod na nag-venture sa kaniyang vlogging.

Noong 2021, si Brenda ay naging kontrobersyal,din sa kaniyang paglabas sa Pinoy Big Brother (PBB) ng ABS-CBN.

Abot-abot naman ang pagbati ng kaniyang mga tagasuporta sa narating niyang tagumpay hindi lang para sa sarili kundi para na rin sa kaniyang pamilya.

Kasalukuyang umani na ng nasa 40,000 reactions ang naturang post.