Muling nananawagan si Raquel Pempengco sa anak na si Jake Zyrus na sana raw ay matulungan ang kaniyang nag-iisang kapatid na si Carl Pempengco, na inatake ng mild stroke habang nagmamaneho ng motorsiklo, at naisugod sa isang ospital sa sa Muntinlupa City noong Biyernes ng umaga, Disyembre 9, 2022.

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP, habang nasa emergency room daw ang anak ay nagpadala siya ng mensahe kay Jake subalit hindi raw ito tumugon sa kaniya.

Sumailalim sa CT scan at ECG si Carl matapos tumaas ang presyon ng dugo habang nagmamaneho ng kaniyang motorsiklo, at hindi nagalaw ang kaniyang kaliwang bahagi ng katawan.

“Sana, kahit ang kapatid na lang niya ang kanyang pansinin at kahit wala nang Pasko dahil sanay na ako na hindi kami kumpleto,” malungkot na pahayag umani ni Raquel sa panayam ng PEP nitong Disyembre 13.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Matatandaang hindi umuwi ng Pilipinas si Jake nang mamatay ang kaniyang lola at tiyuhin, na halos magkasunuran lamang noong Abril 2022.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/06/jake-zyrus-wala-raw-paramdam-raquel-pempengco-humingi-ng-tulong-para-sa-namatay-na-nanay-kapatid/">https://balita.net.ph/2022/04/06/jake-zyrus-wala-raw-paramdam-raquel-pempengco-humingi-ng-tulong-para-sa-namatay-na-nanay-kapatid/

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/17/isa-pang-tito-ni-jake-zyrus-pumanaw-na-apela-ni-mommy-raquel-sa-anak-paramdam-ka-naman/">https://balita.net.ph/2022/07/17/isa-pang-tito-ni-jake-zyrus-pumanaw-na-apela-ni-mommy-raquel-sa-anak-paramdam-ka-naman/

Sa kasalukuyan ay nasa Amerika si Jake at muli raw nagbabaka-sakaling magkaroon ng career doon.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/19/jake-zyrus-dinedma-raw-ni-david-foster-nag-try-pala-lumapit-ulit-tinanggihan-siya/">https://balita.net.ph/2022/11/19/jake-zyrus-dinedma-raw-ni-david-foster-nag-try-pala-lumapit-ulit-tinanggihan-siya/

Habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang balita kung nakipag-ugnayan na si Jake sa kaniyang ina.

Ang latest na balita, depressed daw at inaatake ng anxiety si Jake dahil sa rebelasyon ng international singer na si Celine Dion, na may "Stiff Person Syndrome" siya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/13/celine-dion-may-stiff-person-syndrome-jake-zyrus-masyadong-apektado-raw-sa-kalagayan-ng-idolo/">https://balita.net.ph/2022/12/13/celine-dion-may-stiff-person-syndrome-jake-zyrus-masyadong-apektado-raw-sa-kalagayan-ng-idolo/