Kasabay ng pag-arangkada ng pinakabagong action-drama series ng ABS-CBN na “Batang Quiapo” ang kanila namang paghahagilap ngayon ng susunod sa yapak ng child star na si Onyok Pineda.

Ito ang inanunsyo ng Dreamscape productions kamakailan na nagbukas ng online screening para sa edad 5-9 anyos na batang lalaki o babae na magiging bahagi ng proyekto.

View this post on Instagram

A post shared by Dreamscape Entertainment (@dreamscapeph)

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Maaaring ipadala ang detalye at video materials ng aspiring child stars via [email protected].

Nauna nang inanunsyo ng ABS-CBN ang bigating pagsasanib-puwersa ng ilang batikang aktor para sa pagsasabuhay muli sa orihinal na palabas ng yumao at tinaguriang hari ng action films ng bansa na si Ferdinando Poe Jr.

Basahin: ‘Probinsyano noon, batang Quiapo ngayon!’ Coco, Martin, balik-serye kasama sina Lovi Poe, Charo Santos – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Pangungunahain ito nina Coco Martin, Lovi Poe at Charo Santos.

Makakasama rin dito sina Cherry Pie Picache, Susan Africa, John Estrada, Mercedes Cabral, Tommy Abuel, Allan Paule, Pen Medina, Christopher De Leon, kapatid ni Coco na si Ronwaldo Martin, Mark Lapid, at Senador Lito Lapid.

Target na ilabas ang serye sa susunod na taon.